Loading...
Batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 1, may kabuuang 47,078 na pamilya ang natanggal sa nasabing listahan kung saan karamihan sa mga ito ay walang eligible household members na edad 0 hanggang 18-year-old na anak.
Bukod pa rito, mayroon ding mahigit 1,000 pamilya na mayroon nang sapat na pagkakakitaan para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Nabatid na lima rin mula sa kabuuang bilang ang natanggal dahil sa misrepresentation; 162 ang natanggal dahil sa pagsusugal at pagsasangla ng kanilang cash card.
Mayroon ding 170 ang tinatawag na duplicate households; 29 ang hindi sumunod sa mga kondisyon ng 4Ps program; at halos 7,000 ang boluntaryong inalis ang kanilang sarili sa listahan.
Lumabas pa sa latest record ng DSWD-Region 1, sa Pangasinan nanggaling ang karamihan sa mga pamilyang natanggal sa listahan dahil sa mga nabanggit na rason samantalang ang Ilocos Norte ang maituturing na mayroong pinakamababang bilang ng mga pamilyang natanggal sa listahan.
Ayon sa DSWD, bago natanggal sa listahan ang ilang pamilya, dumaan muna sila sa malalim at mausing assessment ng mga tinatawag na case managers ng ahensya.
Post a Comment